Krooked-Kracked Head
mga karanasan at ideya, isinasaletra.
Saturday, October 12, 2013
Hungkag na kamalayan
Sa pagsapit ng ganitong oras
bakit nga ba nangyayaring madalas
matindi't walang tigil na pagdanas
ng pagbugso't pag-agos ng kaisipan
nakakainis lamang dahil kadalasan
nakakalungkot at nakakapoot ang nilalaman
ng mga ideya't damdaming dumaraan
sa aking damdamin at diwa
minsan ma't may tuwang nadarama
ngunit madalas pa ring 'di maipagkaila
na sa kadalasan ang kaluluwa
ay may 'di mawari't mapunang patlang
siguro ay puyat o pagod lang
o kaya'y talaga namang may sadyang
hindi pa natatagpua't nakabaon lamang
na bukal ng kagustuhan sa kailaliman ng
diwang pumipitik at pusong tinitinik
x
Friday, May 10, 2013
Mga ganitong usapan
Kapag nakikita kong may kakaibang di ko malaman kung ano sa aking sarili, naiisip kong sumulat, bagaman at hindi naman talaga ako isang manunulat. Ako ay nagbabaka-sakaling sa pagsulat kong ito ay kahit papaano ay may matuklasan akong ibang paraan ng pagtanaw sa mga bagay-bagay.
Kay bilis ng panahon. Magtatatlong taon na pala simula noong siya ay una kong nakilala. Mga taong naging mapagbiro na minsan ay nakakasakit na. Hindi ko inakala na aabot ako sa ganitong katagal na pagkakasangkot sa isang paghanga. Subalit kung titingnan ay pahintu-hinto din naman. Sa mga nakaraang araw, nais kong sabihin na hindi na ako apektado. Na ganyan talaga ang buhay sa simula't sapul pa lang. Na hindi lahat ng kagustuhan ay nakukuha. At hindi lahat ng binibigay, nagagantihan.
Gayon pa man, kahit na nalaman ko nang ganoon ang iyong paniniwala, at ito'y nirerespeto ko naman, hindi ko pa rin masasabing ako ay natapos na. Nais ko pa ring sumubok pa.
Ang pinagpapasalamat ko lang ngayon ay ang diretsahang pangyayaring iyon. Walang paliku-likong usapan. Diretso sa katotohanan.
Kay bilis ng panahon. Magtatatlong taon na pala simula noong siya ay una kong nakilala. Mga taong naging mapagbiro na minsan ay nakakasakit na. Hindi ko inakala na aabot ako sa ganitong katagal na pagkakasangkot sa isang paghanga. Subalit kung titingnan ay pahintu-hinto din naman. Sa mga nakaraang araw, nais kong sabihin na hindi na ako apektado. Na ganyan talaga ang buhay sa simula't sapul pa lang. Na hindi lahat ng kagustuhan ay nakukuha. At hindi lahat ng binibigay, nagagantihan.
Gayon pa man, kahit na nalaman ko nang ganoon ang iyong paniniwala, at ito'y nirerespeto ko naman, hindi ko pa rin masasabing ako ay natapos na. Nais ko pa ring sumubok pa.
Ang pinagpapasalamat ko lang ngayon ay ang diretsahang pangyayaring iyon. Walang paliku-likong usapan. Diretso sa katotohanan.
Labas na
Nagising si Diego mula sa ugong ng mga makina ng kalapit na pabrika. Paulit-ulit ang kanyang ginagawa pagkatapos gumising. Ang punahin ang kanyang despertador dahil sa hindi pagtunog nito na siyang dahilan ng paggising niya ng matagal. Ang pagmuni-muni at pagngiwi ng mukha na para bagang may malaking pagkadismaya. Kasunod nito ay ang tila dahan-dahang paglubag ng sariling loob, ngunit ganun pa man, hindi pa rin maipagkakaila ang kanyang mabigat na damdamin. Ganun pa man, patuloy siya sa pagsunod sa kanyang pang-araw-araw na nakaugaliang mga gawain. Pagkatapos magpasyang tumayo na sa kinauupuan ay dumiretso siya sa banyo. Naghilamos. Nagmumog. Pagkatapos ay ang pagkatagal-tagal na pagsuklay ng kanyang buhok gamit ang mga kamay. Maging sa banyo ay tulala pa rin si Diego. Nakakatitig lamang siya sa salamin habang hinahagod pa ang buhok. Sa kababawan ng salaming iyon nakikita ni Diego ang malalim at malinaw-linaw pang mga kahapon.
Magiliw na naglalambingan si Deigo at ang nobya niya noong si Monica. Walang bahala ang mapupusok na magsing-irog sa pagpapadama ng kani-kanilang nadarama para sa isa't isa. Araw-araw na magkasamang nagtatawanan at naghaharutan. Gabi-gabing magkaakbay habang minamasdan ang kalawakan. Ngunit ito ay dahan-dahang lumabo. Ang sa simula na kay tamis na pag-iibigan ng dalawa ay unti-unting tumabang. Ang dating kay init na paglalambingan sa katagalan ay lumamig din. At dumating na nga sa puntong kailangan nang maihayag ito sa mga salita. "Sa tingin ko ay walang kahahantungan ang anuman ang meron tayong dalawa." wika ni Monica. Laking gulat ni Diego sa mga binitawang salita ng dalaga. Hindi niya mawari kung saan nag-ugat ang ganitong paniniwala ng nobya. "Anong ibig mong sabihin? Masaya naman tayo, hindi ba? Mahal natin ang ginagawa natin. Mahal natin ang isa't isa". Ngunit ang mga kasunod na kataga na siyang tugon ni Monica sa pagtataka ni Diego ay tila kay hirap lulonin. "Masyado tayong nagmadali noon. Masyado akong nagmadali. Akala ko tama ang aking pasya. Akala ko mahal kita. Pasenya na, Deigo". Halos hindi nakaimik si Diego sa mga binanggit ni Monica. Wala siyang mahanap na salitang isasagot at sa halip ay naluha na lang. Hindi niya inakalang hahantong sa ganito ang dating masaya at parang walang katapusang pagmamahalan. Kasabay naman nito ang pag-alis ni Monica na nagsabing maaari pa na man daw silang maging mabuting magkaibigan. Kinabukasan, dala-dala pa ang preskong sakit ng pinagdaanan, ay nakasalubong ni Diego si Monica kasama ang bagong nobyo nito. Ang mas nakakainis pa ay ang pagbati ng dalaga na animo'y walang nangyari. Nakangiti na parang ang saya-saya. Pilit na nilunok ni Diego ang tila kay laking batong bumubuo sa kanyang lalamunan at sabay kinurap-kurap ang mga mata na para bang may pinipigilang makawala.
Ang katok sa pintuan ang humila kay Deigo pabalik sa kasalukuyan. Paulit-ulit na tinatanong ng boses sa kabilang banda kung siya ba ay tapos na para naman magamit na ng kasunod ang banyo. Tinapos ni Diego ang mapait na pagmumuni-muni sa pamamagitan ng pagbitiw ng malaking buntong-hininga na para bang sinasabi sa sariling wala nang magagawa pa kung hindi ay tanggapin ang nangyari at magpatuloy na sa buhay. "Palabas na" wika ni Diego.
Tuesday, January 1, 2013
(1)
The first day of the 2013th year. Other than the classic filipino (or kind of chinese-ish), family-oriented eat-sweets-and-round-fruits-during-midnight tradition, I've had my me-time in my room. With this laptop in front of me and a bottle of beer with some chips. I've been watching this inspiring movie. It was about reestablishing relationships despite the fires that has come to burn it. And that reestablishment could only be done through faith, trust and love. The three things I don't really have a favorable vibes with.
Anyways, so much for that before I get too emotional, although I am a person far from that. I am not that emotional. I just wish I truly am or have truly been. Others would say so- that I am emotional, but I guess it's just my way of subtly getting attention. Believe me, if by any chance you'd believe I am emotional, please stop. You'd just find yourself being way too lame to be listening so much to a senseless, false whining.
I wish I could continue this stuff. Make this a tradition. And I wish I could find meaning in the film I've watched and somehow relate it to my own life.
Sunday, December 23, 2012
Makes me keep on going despite the falls
Frustration is a hell of an adversary. One that never fails in breaking you down. But this doesn't mean you can't build back up. You always can and you always must.
Sunday, October 21, 2012
Dynamiko
Mahaba-habang panahon na rin nang huli akong sumulat. Sumusulat din lang naman kasi ako kapag may matinding bugso ng damdamin o pitik ng kamalayan. Kung hindi pagpapamalas ng damdamin, ay pagpapahayag naman ng opinyon o kaisipan. Sa pagkakataong ito, ako ay hindi nagpapahayag ng parehong matinding damdamin at kaisipan. Isang madamdaming pagtatanto.
Sa loob ng panahong ito ay naisaayos ko ang mga dating pagkakamali. Ang pagtangkilik sa masasamang bisyo ay napalitan ng malusog na pamumuhay. Ang pagiging pabaya sa pag-aaral ay napalitan ng ganang magkamit ng dunong. Puno ng kabaitan at kabutihan, kung maaari mang masabi, ang aking mga gawain nitong huling semestre. Hindi lamang sa pang-akademya, kundi pati na rin sa kabuuan ng aking personalidad. Sa simula, maging ako man ay hindi agad na nakapaniwala sa pangyayari. Pero patunay lamang ito na kapag gugustuhi't pagsisikapan ay kaya din naman palang magbago. Magaan sa pakiramdam ang ganitong pagbabago. Ito 'yung tipong kay sarap marinig mula sa mga taong nasisiyahan sa pagbabago mo ang mga magagandang komento. Masayang makakita ng taong masaya para sa kabutihan mo. Patunay lang din na may nagbibigay importansya din sa iyo. At nang dahil sa kanila, patuloy mong mapapanatili ang iyong bagong mabuting estado.
Sa kabila ng lahat ng ito, hinding-hindi maipagkakailang hindi ito madali. Hindi ito naging madali. Hindi ako agad-agad na nagbago. May mga naganap na paunti-unting tumulong sa akin upang marating ang ganitong estado. Bago pa man ako nagbago, samu't saring paalala ang aking natatanggap mula sa mga mabubuting tao sa aking buhay. Klase-klaseng kaganapan din ang nagturo sa akin ng iba't ibang leksyon. Hindi din naging biglaan ang epekto ng mga ito sa akin dahil tulad nga ng sinabi ko kanina, hindi agaran ang pagbabago. Ito ay dahan-dahan, ngunit sigurado.
Sa ngayon, tunay ngang masasabi kong ako'y nagbago. Hindi man gaanong kalakihan ang pagbabago ngunit talaga namang may makabuluhang bunga. Pero hindi dito magwawakas. Sabay sa pag-usad ng panahon ay ang pagkilala ko din sa iba pang bagay, maliban sa mga naibanggit ko kanina, na nangangailangan din ng pagbabago, pagpapabuti at pagpapanatili. Sa ngayon, ito ang tinuturing kong misyon at mosyon ng buhay ko. Sana'y ganoon din sa iyo.
Happy World Mission Sunday!
Happy World Mission Sunday!
Sunday, August 5, 2012
Parang kailan lang...
Kakat'wang isipin na sa paglipas ng panahon, kay daming pagbabago.
Parang kailan lang ay isang uhuging batang iyakin lang ako. Na palaging nakadepende sa kuya at ate, sa dalawang tiyahin, sa lola at lolo.
Parang kailan lang ay nagtatatakbo pa ako kasama ang ibang walang kaproble-problemang kabataan na ang iniisip lamang ay magkatuwaan.
Parang kailan lang ay naninibago at namamangha pa ako sa kalawakan ng lupain ng aking Mataas na Paaralan, mga aparatong bago sa paningin, at sa iba't ibang pakikitungo sa akin.
Parang kailan lang ay tila kay layo pa ng mga lalakbayin. Kay dami pang tatahakin - ang ipasa ang Sekondarya at danasin ang buhay Terserya.
Parang kailan lang, kay dali at sarap aralin ng bawat asignatura. Kay sarap magsaya, kay gaan sa ginhawa.
Parang kailan lang nang makilala ko ang iba't ibang taong tumulong humulma sa kung sino't ano ako sa ngayon.
Parang kailan lang nang minsang nadiskaril at napariwara ako. Naging pabaya sa pag-aaral, naging bisyado.
Parang kailan lang nang maisipan kong tama na, kailangan nang magbago. Kailangan nang makalimot sa ano mang kailangang limutin at ituon ang pansin sa kung anong mga dapat na gawin.
Heto ako ngayon pagkatapos nang kay raming taon na napagdaanan. Sumaya't nalungkot, nabalisa't nahinahon, nahirapa't naginhawaan, at higit sa lahat, nakaranas na masaktan.
Sa bawat hampas ng alon sa kay haba ng panahon na ako'y naglakbay, heto ako't paulit-ulit na umaahon at patuloy sa pagsabak sa buhay. Sa bawat kapintasan at katuwiran na aking naranasan, marami akong natutunan, at kailan may ang mga ito'y hinding-hindi ko malilimutan.
Parang kailan lang ay wala akong paki-alam sa kung ano man sa buhay. Ngayon napagtanto kong kay sarap mabuhay kung lahat ng aspeto'y pagnilay-nilayang tunay.
Subscribe to:
Posts (Atom)