Tuesday, March 13, 2012

Alakaibigan

Meron akong gustong pasalamatan,
Ang kasama ko lagi sa inuman.

Alak ang kanyang pangalan.
Itong si alak nga naman
Sa una'y ika'y paliligayahin,
Sa katagala'y tila nama'y paiiyakin

Itong si alak nga naman
Sa sobrang palakaibigan,
Naipapalabas ang katotohanan
At sa katotohanan ika'y masasaktan

Ngunit sa kabila ng lahat
Nais kong magpasalamat
Dahil sa alak,
Naipagtatapat ang dapat

Sa pagtatapat ng katotohanan,
Ang dala'y kaligayahan
Kaligayahang marahil ay
Dulot ng dinulot na kalayaan


Wika nga nila: "the truth shall set you free". Dagdagan mo pa ng alak, ay! Mapapabilis ang kalayaan.