Sunday, March 18, 2012

Dalawang Buwan ng Kawalang-tripan

At heto na nga ang hinihintay ng lahat - o ng karamihan - o ng...ewan. Basta summer na naman.

Eh ano ngayon kung summer? Eh di bakasyon na naman. At maniwala kayo, ang bakasyong ito na ninanais niyo nung kayo ay naghihirap at nagdurusa pa sa eskwela, ay magpapahirap at magbibigay dusa din sa kalaunan. Madalas tayong nagrereklamo ng Ang tagal naman mag summer (*@$#$%@. Nakakapagod nang mag-aral. Pero tandaan niyo 'to, sa di katagalan, magrereklamo na naman kayo ng @*$!(*@$ ang tagal naman ng pasukan. Nakakabagot na dito, miss ko nang tropa ko.

Hindi din lahat sa inyo ay ganito ang katotohanan. Siguro nga ako lang, pero malay natin may iba pang nakaka-relate. Kaya ito, magbibigay ako ng tips sa mga may buhay-summer na katulad ng sa akin.

1. Magbabad sa computer buong araw.

Maaaring di ito epektib sa iba pero para sa akin, kahit papaano nakakatanggal naman ng pagkabagot. Maraming pwedeng gawin sa computer - mga laro, networking sites, movies, musika at marami pang iba. Kayo na ang bahalang mag explore ng aliw sa computer. Tutal, kayo naman ang nais maaliw, 'diba?

2. Tumulong sa mga magulang

Hahaha. Oo, medyo baduy siyang pakinggan, pero baduy na kung baduy. Hindi lang naman nakakatanggal ng pagkabagot 'to no. Nakakadagdag points pa sa mga magulang niyo. Oh diba? Mas madaling makahingi sa mga magulang niyo. Haha, loko lamang. Syempre iba pa rin 'yong sincere ang pagtulong. 'Yun bang hindi labag sa kalooban o 'yung napipilitan lang.

3. Lumabas at maglibang kasama ang mga kabarkada

Ito na marahil ang tamang panahon para makapag catch up with ol' friends, ika nga. O kung may mga kaibigan din kayong parehong nababagot at namamatay na sa kawalang-tripan sa kani-kanilang mga buhay. Maaari kayong maglaro ng kahit anong laro, mag-inuman, manood ng sine at kahit ano pang trip na inyong mapagkakasunduan. 'Wag lang yung nakakasakit o ilegal. Paano naging mapaglibang yun, diba?
4. Magrecollect at magreflect sa mga bagay-bagay

Maglook back ika nga. Tanawin ang mga bagay-bagay ng nakaraan. Ang mga naganap at ang mga 'di naganap. Ang mga bagay na nagawa, at di nagawa. Mga nasabi at di nasabi. Mga nakilala sa nakaraang journey ng semestre. Pagkatapos, pagnilaynilayan. Siguro ang summer na din ang tamang panahon para makapag self-evaluate/reflect o kahit anong self-self. 

Maraming pang mga bagay ang maaaring gawin ngayong bakasyon. Siguro mas makabubuti kung bigyan nating ng challenge ang ating mga sarili. Para sa mga mag-aaral, why not pagsikapan nating magchange for the better sa susunod na semestre. At yan ay magagawa ngayong summer. May dalawang buwan pa kayo, medyo sapat na din siguro yan. Para sa mga Nagtatrabaho na o yung mga may pamilya na, ba't hindi natin gawing isang magandang pagkakataon ang panahong ito para makapagbonding naman sa ating mga kapamilya - sa mga mag-aaral nating kamag-anak. Yaon bang mag-usap-usap sa kahit na anong bagay. Malaki din ang maitutulong nun. Talk Therapy ba.

Kahit ano man ang trip natin sa bakasyong ito, lagi nating itanim sa isip na mas pagbutihin ang mga gagawin at sasabihin. Kung maaari, positibo lang lahat para naman memorable at goodvibes lang ang bakasyon, diba? At magagawa natin ito kapag thinking good at feeling good tayo. Law of attraction lang ang banat.

Kaya ano pang ginagawa niyo diyan? Mag-isip na kayo ng mabuting magagawa sa bakasyon niyo! Godbless na lang at ingat! ;D

Hi nga pala ulit sa'yo Chin. Tulad nang sinabi ko sa iyo, gagawa ako ng entry tungkol sayo kapag nakalampas na ako ng sampu. Hahaha. At kapag nangyati yun, ipromote mo 'tong blog ko ha? Kahit na di masyadong maganda, chox na rin naman, diba?